[Video] Lalaking may naririnig daw na mga tinig sadyang sinagasaan ang mga tao sa New York, isa patay, 22 sugatan

Image capture of video by MirrorImage capture of video by Mirror

Isang 18-anyos na babaeng turista mula sa Michigan ang namatay matapos sagasaan ng driver ng kotseng Honda sa Times Square sa New York. Dalawampu’t dalawa pa, kabilang ang 13-anyos na kapatid ng nasawi ang sugatan sa pangyayari. Apat sa mga sugatan ang nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa ulat ng Variety, naganap ang sinadyang pananagasa dakong tanghali noong Huwebes, ika-18 ng Mayo.

Sa report ng pulisya, sumampa umano sa sidewalk ang kotseng kulay burgundy na minamaneho ng 26-taong gulang na si Richard Rojas, isang dating US Navy. Tatlong bloke ang tinakbo ng sasakyan at nanagasa ng mga tao bago ito rumampa sa mga steel security barriers at saka nagsimulang magliyab.

Nang bumaba ng kanyang kotse ang suspek ay nagsisigaw ito sa mga pulis.

“You were supposed to shoot me! I wanted to kill them [Binaril n’yo dapat ako. Gusto ko silang patayin],” sabi raw ni Rojas ayon sa mga pulis.

Ayon pa sa mga pulis, sinabi raw ng suspek na may mga tinig siyang naririnig.

Negatibo naman sa alkohol si Rojas matapos suriin, pero may mga impormasyong natanggap ang mga pulis na naka-droga ang suspek bago ginawa ang pananagasa.

Narito ang isang video ng insidente [Babala: Maselan ang nilalaman]