[Video] Lalaking walang pang-itaas na damit, natagpuang natutulog sa gitna ng kalsada, nailigtas

Imahe mula sa video ng Stomp

Isang lalaking tinatayang nasa 45-50 anyos na walang damit pang-itaas  ang natagpuang natutulog sa gitna ng kalsada, nitong ika-21 ng Mayo sa Foch Road, Singapore.

Saksi ang isang grupo sa naturang insidente nang makita ang naturang lalaking na natutulog sa gitna ng kalsada katabi pa ang kaniyang sapatos dakong 3:00 ng umaga.

Mapapanood sa video na ibinahagi ng Stomp na lumapit ang isang lalaki na nagmagandang loob na tulungan ang natutulog na lalaki upang gisingin at maiiwas sa anumang aksidente.

Sa unang paggising sa lalaking natutulog ay hindi agad ito tumugon. “Uncle, wake up.  “You’re sleeping in the middle of the road,” ayon sa lalaking nagmalasakit.

Maya-maya pa’y naalimpungatan ang natutulog na lalaki at tumanggi ito sa alok na tulong ng gumising sa kaniya. Kaagad din itong tumayo at isinuot ang katabi niyang sapatos.

Ayon sa kasama ng lalaking gumising, tila nakainom ang lalaki at mapanganib kung hindi nila ito magigising.

The man looked like he was drunk and he was not wearing a shirt. “It could have been really dangerous if we hadn’t woken him up.”

Panoorin ang video na ito ng Stomp:

Source :

Stomp