[Video] Motorsiklo, isinama sa libing ng naaksidenteng driver

Imahe mula sa video ng News Viral Facebook pageImahe mula sa video ng News Viral Facebook page

Magkapiling hanggang sa huling hantungan.

Nag-viral sa social media ang video ng isang libing ng taong hinihinalang namatay dahil sa aksidenteng tinamo sa kaniyang pagmomotor.

Sa video na ibinahagi ng The News Viral Facebook page noong Mayo 6, mapapanood ang paglilibing sa isang kabaong na kahoy kasunod ang paglalagay sa tabi  nito ng motorsiklo’t  helmet na sinasabing gamit ng biktima nang ito’y nasawi.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

Ayon kay Darwin Dechavez:  “Namatay iyan sa motor.. Sa sobrang galit sa motor isinama na sa libing.. Isinisi nila sa motor ang pagkamatay ng relative nila.”

Mga u**k talaga walang ksalanan ang motor sisihin ninyo ay ‘yung me dala sa kanya,” dagdag pa niya”

Nagtataka naman si Alvin Medina Mesias kung bakit mababaw ang hukay at maaaring  mangamoy daw ang bangkay.

Ayon naman kay Lambert Cunamay:  “Oo nga lakas pang evedio ta**a pati ang mga naglagay nadamay pa pati ang nag hukay nadamay pa sa kadamutan. he he”

Mungkahi ni Melvin Benjamin na sana’y ipinamigay na lamang sa kaanak upang mapakinabangan pa.

Biro naman ni Mario Luzano:  “Cguro hindi pa nafull payment sa company yan kaya sinama sa hukay”

Sa kasalukuyan ang video’y may 1.5 million views, 5.2K reactions, at 8,803 shares.

 

Source :

Facebook