[Video] Nakabibilib! ‘English Speaking’ Pedicab Driver, Bagong Atraksiyon Ngayon sa Calbayog City

Imahe mula sa video ng ABS CBN via You Tube

Mayamang kabundukan at karagatan. Maaaring i-explore ang yamang dagat sa pamamagitan ng snorkeling o maligo sa iba-ibang falls at tumawid ng isla sa pamamagitan ng zip line. Ilan lamang ito sa mga ipinagmamalaki ng Calbayog City sa Samar.

Ngayon, dagdag atraksiyon sa naturang lungsod ang Ingleserong pedicab driver na si Daniel Lapara. Talaga namang matatanggal ang iyong pagod at inip kapag nakausap mo siya.

Labis na humanga si Charlie Espina, ang turistang mula sa Cebu, dahil mahusay daw itong magsalita ng Ingles at ito rin daw ang unang pagkakataon na nakasakay siya ng ganito, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ayon kay Mang Daniel, hindi siya nakapagtapos ng high school ngunit sinikap niyang matuto ng Ingles sa tulong ng mga banyagang misyonerong nakilala niya noon.

Some people if they mention pedicab driver they looks me down so I show up my ability and sometimes it easy for them to shout with loud voice,” ani Mang Daniel.

Para kay Mang Daniel, ito ang kaniyang paraan upang ipakitang tahimik at friendly city ang Calbayog.

Tunay na kahanga-hanga si Mang Daniel, hindi lamang dahil sa kakayahang magsalita ng wikang Ingles kundi dahil na rin sa pagpapakita niya ng malasakit  sa naturang lungsod.

Panoorin ang video na ito ng ABS CBN:

Source :

You Tube, ABS CBN