[Video] Paslit na nahulog mula sa ikalawang palapag sinubukang saluhin ng estudyante, hindi nasalo

Image capture of video by Mirror Image capture of video by Mirror

Isang paslit na diumano’y napabayaan ay nakaakyat sa pasamano ng bintana sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at nahulog mula doon.

Isang batang babaeng estudyante ang nakapansin sa bata habang nasa bintana ang paslit. Sa video na ibinahagi ng Mirror, makikita ang estudyante na nakatingala at tila hinihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

Makikita sa sumunod na mga eksena na biglang napatakbo ang estudyante upang subukang saluhin ang batang lalaki na nahulog sa bintana matapos umanong mawalan ng balanse. Sa kasamaang-palad ay hindi nagawang masalo ang  nahulog na paslit.

Bumagsak sa isang nakaparadang motorsiklo ang nahulog na bata at agad itong dinampot ng estudyante. Nagpalahaw ng iyak ang bata pero himalang wala itong natamong pinsala. Isinugod sa ospital ang paslit pero matapos suriin ay pinauwi rin agad.

Pinag-iisipan pa umano ng mga awtoridad kung sasampahan ng kasong kapabayaan ang mga magulang ng paslit. Naganap ang insidente sa China.

Narito ang kuha ng video sa pagkahulog ng bata:

 

Source :

Mirror, YouTube