[Video] Putin, Hiningi kay Duterte ang ‘Wish List’ ng Pilipinas para sa Laban sa Terorismo

File photo

Kasunod ng paghingi ng soft loan ng Pilipinas sa Russia upang makabili ng armas, hiningi ni Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang ‘wish list’ para sa laban kontra terorismo.

Plano naman ng Department of Tourism (DOT) na bigyan ng discounted tour ang mga Russian na bibisita sa Pilipinas.

Ayon pa sa DOT, interesado ang Miss Universe Organization na gawin muli ang pageant sa Pilipinas.

Naiwan naman sa Moscow ang ilan sa gabinete matapos umuwi sa Pilipinas si Pangulong Duterte. Sila ang pumirma sa 10 bilateral agreement ng Pilipinas at Russia kabilang ang mga kasunduan na magpapalakas SA ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng turismo, agriculture, science and technology at trade and industry.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, inimbitahan ni Pangulong Duterte si President Putin na bumisita sa Pilipinas at nagpasalamat naman si President Putin sa imbitasyon.

Tuloy naman sa mga susunod na araw ang mga business forum para kay Pangulong Duterte ngunit ang mga gabinete tulad ni Secretary Trade and Industry Ramon Lopez ang haharap, saad sa ulat ng State of the Nation.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

Source :

GMA, YouTube