[Video] Puting paniki sa Cavite, agaw-atensiyon sa mga residente

Imahe mula sa GMA video via You Tube

May puting paniki sa Pilipinas?

Agaw atensiyon  ngayon sa mga residente sa isang barangay sa General Mariano Alvarez, Cavite ang puting  paniki na nahuli ng isang matandang residente.

Sa ulat ng GMA, sinabing nakadapo umano sa isang nakasampay na tuwalya ang puting paniki, ayon kay Marciano Pacia. Dahil natatangi, ito’y kaniyang hinuli  at inalagaan.

Ayon kay Pacia, dahil ilang araw niya itong inalagaan tumaba na at lumaki ang puting paniki. Ginawan niya ito ng kulungan at pinapakain ng aratiles at saging.

Hindi karaniwan ang puting paniki sa Pilipinas, ngunit ang alaga ng 71-anyos ay hindi nag-iisang puting paniki sa mundo.

Kilala ang Honduran white bat na kasimputi ng niyebe na balahibo at dilaw na nguso at mga tainga. Ito’y may 3.7-4.7 cm haba. Ito’y miyembro ng genus Ectophylla; at kadalasang matatagpuan sa Honduras, Nicaragua, Costa Rica at western Panama.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

Source :

You Tube, GMA