[Video] Sasakyan ng Ilang Artista, Hinatak ng MMDA sa QC; Shooting, Nabulabog

Image capture of video by GMA News via YouTube accountImage capture of video by GMA News via YouTube account

Kasamang nahatak ang mga sasakyan ng ilang artista sa isinagawang clearing operations ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Scout Area, Quezon City.

Ito rin ang dahilan ng pagkabulabog ng isang ‘shooting’ sa nasabing lugar.

Saad sa ulat ng Balita Pilipinas, 20 sasakyan ang hinatak ng MMDA sa nasabing operasyon,

Paliwanag ni MMDA Operations Chief Bong Nebrija, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng clearing operation sa Scout Area hangga’t hindi maubos ang mga lumalabag sa “no parking zone” na ipinatutupad ng MMDA sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng MMDA, nais nilang mapaluwag ang kalsada sa Scout Area para sa mga motorista na gumagamit ng lugar bilang alternate route upang makaiwas sa pagdaan sa EDSA.

Nagsagawa rin ang MMDA ng clearing operations sa Balintawak bago pa ito nagsagawa ng clearing operations sa Scout Area.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito:

Source :

GMA, YouTube, Facebook