[Viral] Larawan ng batang babae na tila nag-aaral sa kalsada, nakatawag-pansin sa maraming netizen

Imahe mula sa Kuya Erwin Tol Facebook pageImahe mula sa Kuya Erwin Tol Facebook page

Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens ang larawan ng isang batang babae na kumakalat ngayon sa social media.

Ang larawan ay ibinahagi sa Kuya Erwin Tol Facebook page, at dito ay makikita ang isang batang babae na tila nag-aaral ng kaniyang leksiyon gamit ang panulat at papel. Ang naturang larawan ay kuha mula sa Plaza Independencia, Cebu City.

Sa mga oras na ito’y wala pang pagkakakilanlan ang batang babae.

Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang awa sa kalagayan ng batang babae.

Naawa talaga ako …kung ako nakakita kukunin ko dahil makakaunawa at marunong makuntinto kung ano Lang maibigay sa kanya…gustuhin ko mag adopt ng ganyan dahil masunurin… dahil sa status nyang ganyan….. maintindihan nya ang mga bagay. Bagay na dapat pahalagahan god bless you lil angel…. magiging maswerte din ang buhay mo someday..kawawa tlga..”

Kawawa naman..Pero mas lalong kawawa kasi wala man lang magulang para sabihan syang “against the light ka” baliktad posisyon mo.”

May ilang netizens naman ang nagpahayag ng galit sa mga magulang ng bata at maging sa Mayor ng bayan.

Child abuse! Huliin ang parents at parusahan like ipa rape sa mga bilanggo or kabayo para madala sa pagbubuo ng bata.”

Malapit Lang Yan SA cityhall pero mga governo nakakita parang bulag bulagan lang.”

Ang ilan nama’y nagpahayag ng paghanga sa bata.

“May pangarap sya, at may future ang tulad nya.”

Para kay Sky XT: “Naging inspirasyon talaga ung unang bata na ganyan ang istorya. Galing.. wala talagang dapat maging mahirap sa buhay. by choice lang talaga. ang daming wala nman yaman pero kung gugustuhin na makatapos sa pag-aaral. kinakayang magtyaga. kasi hindi reklamador. kahangahanga kc gustong i-angat ang kanilang sarili, estado sa buhay sa tamang pamamaraan. Sabi nga “kung gusto may paraan; kung ayaw madaming dahilan”

Mayroon din namang nagduda kung scripted ba ang nakunang eksena upang mag-viral at makakuha ng simpatiya.

Source :

Facebook