Albert Martinez, best Father’s Day gift ang nalalapit na pagkakaroon ng apo

Imahe mula sa InstagramImahe mula sa Instagram

Sa naging panayam ng beteranong aktor na si Albert Martinez sa DZMM nitong Linggo, masayang ibinahagi ng aktor na malapit na rin siyang maging lolo at isa ito sa diumano’y  Best Father’s Day Gift na maituturing niya.

Aniya: “Actually, this is the best Father’s Day celebration and the best Father’s Day gift na nakuha ko ever. I received a gift from Alyanna in a box. When I opened it, I saw a note, and then I saw a bib. We’re not sure if it’s a boy or a girl. But for sure, I’m going to be a lolo soon.”

Dagdag pa ng aktor, umiyak daw ito pagkatapos mabasa ang note na galing sa kanyang anak: “I’ve been waiting for the longest time. It doesn’t really matter if it’s boy or girl. What’s important is healthy lumabas ‘yong bata at walang problema. ‘Yun na ‘yong happiness naming lahat.”

Noong Disyembre ng nakaraang taon ay masayang magkasama ang mag-ama sa ika-31 kaarawan ni Alyanna.

Reunited w/ my Papa @albertmartinez_ 🤗 Happiest 31st to me! 🎈🎈🎈

A post shared by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

Samantala, sa post naman ni Alyanna sa Instagram, ibinahagi nito ang kanyang regalo sa asawang si Roy Macam.

SURPRISE!!!!!!! Happy 1st EVER Father's Day @roymacam ❤️😱❤️🍼❤️👶🏻❤️🙈❤️ #RoyAlBaby2018

A post shared by Alyanna Martinez (@alyannamartinez) on

Sa taong ito, dalawang beses nagpakasal si Alyanna sa kanyang mister na si Roy.