Bagong tourist attraction sa Leyte na “16,000 Blossoms”, bukas na sa publiko

Image from Discover Baybay City Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Binuksan na sa publiko ang bagong tourist attraction sa Baybay City sa probinsiya ng Leyte na tinatawag na “16,000 Blossoms”.

Ang bagong dadayuhin ng mga turista na matatagpuan sa Lintaon Peak ay pormal na pinasinayaan ni Baybay City Mayor Carmen L. Cari Miyerkules noong nakaraang Linggo, ika-14 ng Hunyo.

Ito ay gawa sa 16,000 na synthetic na rosas na may iba’t-ibang kulay at iniilawan ng mga LED lights. Ang mga plastic na bulaklak ay imported pa mula sa Malaysia, ayon sa Facebook page na Discover Baybay City.

Bukod dito, matatanaw din mula sa lugar ang napakagandang view ng Leyte Cordillera, Camotes Sea at ng lungsod. Subalit ang maaaring pakaabangan ng mga tao ay ang napakakulay na tanawin ng paglubog ng araw.

Mayroon ding plano na magtatayo ng isang higanteng rebulto ng Our Lady of the Immaculate Conception, na maaaring singtaas ng 8-palapag na gusali, na napapaligiran ng mga rosas.

Ayon kay Baybay Tourism Officer Josefina Granada, ang “16,000 Blossoms” ay bahagi ng P20-M na proyektong nakalaan para sa pagpapaganda sa lugar upang makaakit ng turista.

Tunghayan ang mga larawan at paalala sa ibaba: