Beyonce, nagsilang ng Twins

Imahe mula sa InstagramImahe mula sa Instagram

Queen Bey, nagsilang ng kambal!

Ang Pop superstar na si Beyoncé, 35-anyos at ang asawa nitong Rap star na si Jay-Z ay biniyayaan ng kambal.

Noong Linggo ay  ibinahagi ng ama ni Beyonce na si Mathew Knowles sa isang masayang  tweet na: “They’re here!” na may kalapit pang digital birthday card na may mababasang: “Happy Birthday to the twins! Love, Grandad.”

Nauna nang naipahayag ni Beyoncé sa kanyang post sa Instagram noong Pebrero na sila’y magkakaroon ng kambal: “We would like to share our love and happiness. We have been blessed two times over. We are incredibly grateful that our family will be growing by two, and we thank you for your well wishes.”

Ang mag-asawa ay may limang taong gulang nang anak na babae, si  Blue Ivy.

Kahit nagdadalantao noon sa kambal ang Pop superstar, tuloy pa rin ang kanyang paghataw sa ginanap na 2017 Grammy Awards, The Beauty and the Beast L.A. Premiere at Inaugural Wearable Art Gala.

Noong Mayo naman ay nagdiwan si Beyoncé para sa kanyang ‘Baby bump’ na tinawag niyang “Carter Push Party” na dinaluhan ng kanyang pinakamalalapit na pamilya at mga kaibigan na pinangunahan ng kanyang ina na si Tina Knowles Lawson, La La Anthony, Serena Williams, Destiny’s Child members na si Kelly Rowland at Michelle Williams.

Sa ngayon ay hindi pa nilinaw ni Queen Bey at Jay-Z kung ano ang kasarian ng kanilang kambal at kung kailan sila isinilang ngunit may usap-usapan na babae at lalaki ang kanilang kambal dahil sa namataang dumalaw sa mag-asawa na may dalang pink at blue na lobo, ayon sa post na tweet ng Shawn & Beyonce Fans.

Congrats, Queen Bey at Jay-Z!