Cancer survivor sumailalim sa 8 operasyon maging kahawig lamang si US first lady Melania Trump

Imahe mula sa Facebook ni Claudia Sierra/Public Domain

Sumailalim ang isang babaeng cancer survivor mula sa Texas sa walong operasyon maging kahawig lamang ni US first lady Melania Trump.

Ang pasyente ay kinilalang si Claudia Sierra, residente ng Cypress, Texas.

I want to feel like the first lady that I know I am inside, Melania for me illustrates power and strength; she is our first lady, and I am looking forward to more closely resembling her and becoming a better version of me,” ani Sierra.

Ayon sa ulat ng Interview, si Sierea, na may dalawang anak, ay sumailalim sa walong operasyon upang mas maging kahawig pa si Melania Trump.

Kabilang sa operasyon ang  revision breast reconstruction, revision rhinoplasty, a tummy tuck, liposuction, Brazilian butt lift, eyelid lift, Botox, fillers, at iba pang injectable treatments na sinimulan pa nitong  Hunyo 19.  Nakumpleto ang operasyon sa loob lamang ng limang araw.

Ayon kay Dr. Franklin Rose,  ang operasyon ito ni Sierra ay bahagi ng growing trend.

I’ve had many women visit my office wanting the ‘Ivanka look,’” ani Dr. Rose. “So it’s not really surprising to see women now requesting to look more like Melania, who is simply gorgeous.”

Nagbahagi ng live Facebook video sa pamamagitan ng isang sneak peek ang doktor na si Dr. Franklin Rose higgil dito sa “Melania-in-the-Making” Claudia:

Fact-checked against the following source(s) :

Facebook, Interview, Fox News