Dating child actor Buboy Villar, magiging daddy na sa edad 18

Image from Buboy Villar's Instagram account

Masayang ibinahagi ng dating child actor na si Robert Villar Jr ., na mas kilala bilang Buboy Villar, sa Instagram ang sonogram ng kanyang magiging anak na ipinagbubuntis ng katipan na si Angillyn Gorens.

Ayon sa ulat ng GMA, tinawag ng 18-anyos na aktor na isang blessing ang pagdadalangtao ng banyagang girlfriend. Ang babaeng sanggol na dinadala ni Angillyn sa kanyang sinapupunan ay tinawag nilang Angelica Nazareth, na the best na nangyari daw sa buhay nila.

“Thank God sa blessing na eto. Anak, ikaw ang the best best best best na nangyari sa buhay namin. I love you Angelica Nazareth,” sabi ni Buboy sa kanyang Instagram post.

mm

Thank God sa blessing na eto. Anak ikaw ang the best best best best na nangyari sa buhay namin iloveyou Angelica Nazareth 😇😍

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on

 

Nagpost din si Angillyn sa kanyang Instagram account ng larawan ni Buboy habang hinahagkan nito ang kanyang baby bump.

Pinasalamatan niya si Buboy na lagi raw naroroon para sa kanya at sa kanilang magiging baby.