Dating PBA Star Jeffrey Cariaso at  Erika Padilla ibinahagi ang kanilang wedding photo

Imahe mula sa Instagram

Nag-isang dibdib na sina Jeffrey Cariaso at Erika Padilla.

Sa Instagram post ni Erika ay ibinahagi  niya ang kanilang larawan ng kanyang asawa, na may caption: “My husband  <3  SWIPE. Ang civil wedding ay ginanap sa US.

Si Cariaso ay bahagi ng  coaching staff ng  Alaska Aces sa PBA at minsan na ring naging manlalaro. Si Padilla ang nagko-cover sa PBA  bilang  TV courtside reporter.

Si Erika ay gumaganap sa TV at maging sa pelikula. Kamakailan siya’y nasa  “Can We Still Be Friends?”,  na pinangungunahan nina Gerald Anderson at Arci Muñoz.

Matatandaang sina Jeff  at Erika ay naging engaged nitong  Abril, at nitong Mayo ay inihayag ni Erika na ipinagbubuntis niya ang kanilang unang anak.

Nitong nakaraang linggo lamang, sila’y nasa  Oakland upang manood ng NBA sa pagitan ng Golden State Warriors at  Cleveland Cavaliers.

 

 

My husband ❤ SWIPE!

A post shared by Erika Padilla Cariaso (@padillaerika) on