Duterte handang i-pull out ang militar sa Marawi kung iuutos ng Korte Suprema

Image from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Handang i-pull out ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasundaluhan sa Marawi City sa sandaling ito ang iutos ng Korte Suprema, subalit nagbantang muli siyang magdedeklara ng mas malawak na martial law sa Mindanao.

Lumabas ang pahayag ng Pangulo sa gitna ng patuloy na deliberasyon sa Korte Suprema matapos kuwestiyunin ng ilang mambabatas at pribadong indibidwal ang legalidad ng kasalukuyang batas militar.

“If they do not like it, if they say there is no factual basis, then I’m ready to order the military to withdraw. Hayaan mo sila diyan kung kaya nila. If the Supreme Court says it’s wrong, I will withdraw,” wika ni Duterte.

Subalit nagbanta rin ang Pangulo na muli siyang magdedeklara ng martial law, at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya makikinig kaninuman.

“If anything goes wrong, and I declare martial law for the second time around, the people suffer, there are bombings, I won’t listen to anyone anymore,” anang Pangulo.

Nagbanta rin si Duterte na kapag dumating ang panahon na ang rebelyon ay isa nang malaking banta sa buong bansa, mapipilitan siyang isailalim ang Pilipinas sa martial law at maaaring matulad ito sa ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“If that rebellion burns Mindanao and the other parts of the Philippines, and I will be forced to declare martial law again, this time, I will do it on my own to preserve my nation,” pahayag ni Duterte sa mga mamamahayag sa Butuan City.

“I will not consult anybody and there is no telling when it will end … then it could be a copycat of Marcos,” dagdag pa nito.