Estrada sa ‘pagkawala’ ni Duterte: ‘“Nanggaling na ako diyan, palagay ko nagpahinga lang’

Imahe mula sa Joseph Ejercito Estrada Facebook page/public domainImahe mula sa Joseph Ejercito Estrada Facebook page/public domain

Nakiusap si Manila Mayor Joseph Estrada sa publiko, gayundin sa ilang senador na kumukwestiyon sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaan na lamang munang makapagpahinga at mapag-isa ang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Let’s give him the privilege of being alone for a while. It’s hard to be a president, ‘di lang ‘yan ang problema ng bansa,” ani Estrada sa mga mamamahayag sa ginanap na presentation ng 30 kandidata ng Miss Manila 2017 pageant sa Manila City Hall.

Nanggaling na ako diyan, e, palagay ko nagpapahinga lang,” ang tugon ni Estrada nang tanungin kung bakit hindi nagpakita si Duterte sa publiko sa loob ng  limang araw.

Ayon sa ulat ng Abante,  sinabi ni Estrada na maaaring naglaan lamang si Duterte ng mas maraming oras kasama ang kanyang mga adviser upang hanapan ng solusyon ang mga problema ng bansa, partikular sa krisis sa Marawi City.

Nauna nang inihayag ni Senador Francis Escudero na hindi krimen ang magpahinga at magbakasyon ang Pangulo.

Nanawagan din si Duterte na walang dapat ikabaha ang publiko sa kaniyang kalusugan, biro pa niya’y: “Coma? Nasa kama lang ako.”