Imbestigasyon ng Senado Hinggil sa ‘Fake News’, Suportado ni Andanar

File photo and public domainFile photo and public domain

Suportado umano ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga diumano’y ‘fake news’.

Ani Andanar, makikipagtulungan ang kaniyang tanggapan sa Senado.

Dagdag pa niya, nais nina Senador Grace Poe at Senador Joel Villanueva na patawan ng higit na parusa ang mga taong nagpapakalat ng pekeng impormasyon.

Bukod pa sa kaso, malaki rin ang multa sa sinumang mapatutunayan na gumagawa at nagkakalat ng ‘fake news’.

Ayon sa Senate Bill No. 1492: “An Act Penalizing the Malicious Distribution of False News and Other Related Violations” ni Villanueva, ang mga lalabag dito ay mayroong 5 taon na pagkakakulong at ₱5 milyong multa.

Dagdag pa ni Villanueva: “If the offender is a public official, he or she will be made to pay twice the said amount of fine, and twice the period of imprisonment; and absolute disqualification from holding any public office. This is tantamount to a fine of up to ₱10 million and imprisonment of up to 10 years.”

Kasama sa mga naakusahan na nagpapakalat ng ‘fake news’ ay sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa umano’y pag-uugnay sa ilang mambabatas sa krisis sa Marawi at Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson  sa paggamit ng Honduras Police picture na may caption na tungkol sa mga awtoridad sa Marawi, saad sa ulat ng Bombo Radyo.

Dipensa ng dalawang opisyal na hindi sila nagpapakalat ng ‘fake news’.

Sa inisyal na ulat ng Kicker Daily, hinikayat ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang mainstream at social media practitioners na maging objective sa pagbabalita.