Kobe Paras, Ravena, Standhardinger, Parks pangungunahan ang Gilas Pilipinas sa SEA Games

Public domainPublic domain

Laban Pilipinas, puso!

Matapos ang matagumpay na pagsungkit sa titulo sa 12th Southeast Asia Basketball Association Championship nitong Mayo, nakatuon naman ngayon ang Gilas Pilipinas sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nitong Hunyo 27, inanunsyo na ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ang mga manlalarong bubuo sa pambansang koponan  na sasabak sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Malaysia.

Ayon sa ulat ng Spin, pangungunahan nina Kobe Paras, Ravena, Standhardinger at Parks ang Gilas Pilipinas sa SEA Games.

Bubuo sa 12-man roster ng Gilas sina Mike Tolomia, Baser Amer, Almond Vosotros, Von Pessumal, Kevin Ferrer, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose, Troy Rosario at para sa biennial meet.

Kumpiyansa naman si coach Reyes na mangingibabaw ang Gilas Pilipinas sa lahat ng mga koponan na kasali sa naturang torneo.

Masasaksihan din ang pambansang koponan mula Hulyo 29 hanggang Agosto 2 sa Jones Cup sa Taipei bilang bahagi ng build up ng koponan sa SEA Games, na ilang dekada nang pinaghaharian ng ating bansa.

Si Mike Myers, standby import ng Talk n Text sa kasalukuyang PBA Commisioners Cup Finals, ang reinforcement ng Gilas sa Taipei.

Source :

Spin, GMA, Bombo Radyo