May-ari ng sasakyang nag-counterflow at muntik pang sagasaan ang mga traffic enforcer, tukoy na

Image capture from by Traffic Patrol PH via Facebook

MAYNILA, Pilipinas  –  Tukoy na ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng sasakyan na nag-counterflow at muntik pang sagasaan ang dalawang traffic enforcer na nagtangkang pigilan ito.

Nag-viral sa social media ang video ng pangyayari na nakunan ng isang netizen.

Sa naturang video, nag-counterflow umano ang pulang Toyota Innova na may plakang AJA 4427. Nang sitahin ito ng mga traffic enforcer sa lugar, tumangging huminto ang driver ng Innova habang pinipilit isiksik ang sasakyan sa lane.

Tumanggi rin ang driver nitong ibaba ang salamin ng sasakyan habang muntik pang masagasaan ang dalawang traffic enforcer.

Sa huli ay pinabayaan na rin ng traffic enforcer ang sasakyan dahil wala na itong magawa sapagkat tuluyan na itong pinaharurot ng driver papalayo.

Bagama’t alam na ng LTO ang may-ari ng sasakyan, tumanggi naman ang ahensiya na ilabas ang pangalan hanggat’t hindi pa nasisiguro na ang driver sa video ay siya ring may-ari nito.

Panoorin: