[Panoorin] Bakit napapanaginipan natin ang mga taong hindi natin nakikita o nakakasama sa loob ng mahabang panahon? May sagot si Kuya Kim!

Imahe mula sa Facebook video ng No Ink

Bakit nga ba natin napananaginipan ang isang tao na hindi naman natin nakakasama o nakikita sa loob ng mahabang panahon? Ano kaya ang paliwanag ng mga eksperto ukol dito?

Interesante ang naging paksa ni Kuya Kim sa kaniyang ‘No Ink’ episode nitong Hunyo 14. Nagtanong ang isang viewer tungkol sa isang taong  kaniyang napapanaginipan na hindi naman niya nakakasama o nakikita sa loob ng mahabang panahon.

Kung napapanaginipan mo ang isang tao na hindi mo naman nakakausap, nakikita, or nakakasama, maaaring ang ibig sabihan niyan ay nasa unconscious mo, mayroon kang unfinished business sa taong ito na hindi mo na natutupad,” paliwanag ni Atienza.

Pinatungkulan ni ‘Matanglawin’ host si Sigmund Freud, isang tanyag na neurologist at nagtatag ng psychoanalysis; ani Atienza: “Pero case to case basis ang interpretation ng panaginip. Dahil maraming factors ang puwedeng mag-impluwensya ng panaginip.”

Nasa iyo kung paano mo ii-interpret ang panaginip mo sa taong iyon. Kaya isipin mo kung ano ang mga posibleng sagot kung bakit siya ang napanaginipan mo. Ano ang mga incomplete mo sa taong iyon? Mga gusto mo sanang nagawa at nasabi?”

Dahil personal ang interpretasyon ng panaginip tanging tayo lamang  ang makasasagot  kung ano nga ba ang ‘unfinished business’ natin sa taong napanaginipan natin.

Panoorin ang Facebook video na ito mula sa No Ink.

Source :

Facebook, ABS CBN