[Panoorin] NPA inalok ni Pangulong Duterte na maging sundalo ng bansa

Image from PCOO Image from PCOO

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na maging sundalo ng bansa.

So, I am again addressing myself to the NPAs. Kayong mga NPA, able-bodied, at kung mag-qualify kayo, both…hindi sabihin na kailangan ko ng bright,” ani Pangulong Duterte sa pagbisita nito sa 1st Mechanized Infantry sa Camp Leono, Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Hunyo 7.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, hinihikayat ni Duterte ang sinumang NPA na nais magbalik-loob sa gobyerno at bumaba na sa kanilang mga lungga.

Ayon pa sa Commander-in-Chief, isasalang lamang sila sa kaukulang pagsasanay at gagawin nang sundalo.

Kayong mga sundalo sa New People’s Army, kung gusto ninyong sumali sa gobyerno ko, I will take you in as soldiers of the country. And I will — ie-enlist ko kayo as soldiers anytime. Bumaba lang kayo at mag-train,” wika pa ni Duterte.

Plano rin ni Duterte na alukin ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa gobyerno matapos ang ilang dayalogo kay Nur Misuari.

We have been fighting for 50 years… mga Christians at Moro, kailangan mag-usap tayo,” ani Duterte.

Panoorin ang video na ito mula sa You Tube: