[Panoorin] Pagbabawal ng ‘unli rice’, ginawang katatawanan ni Vice Ganda sa pag-dub ng episode ng ‘Wildflower’

Mga imahe mula sa ABS CBN videoMga imahe mula sa ABS CBN video

Ginawang katatawanan ni Comedian Vice Ganda ang kontrobersiyal na pagbabawal ng  ‘unli-rice’ sa kaniyang muling pag-dub ng  Kapamilya teleserye.

Sa isang episode ng “Wildflower”, nagdub ang komedyante sa isang tagpo na may komprontasyon sa pagitan nina Ivy (Maja Salvador) at Emilia (Aiko Melendez), ayon sa ulat ng ABS CBN, at pinamagatan itong “Wild Eater”.

Naging usap-usapan ang panawagan ni Senador Cythia Villar na ipagbawal ang pag-aalok ng ‘unlimited rice’ sa mga restaurant sa kanilang mga parokyano at sa halip ay ipalit ang pagkonsumo na lamang ng gulay. Isang  hakbang din umano ito upang matamo ang rice self-sufficiency na target ng pamahalaan

Ngunit nilinaw naman ni Villar na hindi niya planong maghain ng panukalang batas upang ipagbawal ang ‘unli rice.’

Panoorin ang nakaaliw na pag-dub ni Vice Ganda sa episode na ito ng “Wildflower” sa video na ito ng ABS CBN.

I-click ang imahe upang  mapanood ang dubbing ni Vice Ganda sa 'Wild Eater' episode.

I-click ang imahe upang mapanood ang dubbing ni Vice Ganda sa ‘Wild Eater’ episode.