Pinaghihinalaang ‘Maute bomber’ arestado sa Cagayan de Oro

Imahe mula sa Maharlika  Facebook account

Inaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang bomber ng  Maute  group sa Cagayan de Oro.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, si Mohammad Noaim Maute, alias Abu Jadid, ay naaresto sa Barangay Macasandig dakong 7:00 n.u., ayon sa Philippine National Police Regional Office 10 spokesperson Supt. Lemuel Gonda.

Sa press briefing, kinumpirma ni Region 10 police director Chief Superintendent Agripino Javier na ang nakababatang Maute ay nagsanay bilang bomber.

Siya ay trained bomber na pumunta dito. Hindi pa niya inaamin kung ano ang target niya pero we presume that he wants to create destruction in some areas in CDO,” ani Gonda.

Wika pa ni Javier, ang suspek ay gumagamit ng fake IDs upang makalagpas sa mga checkpoint.

Gumagamit sila ng mga fake ID. Siguro ‘yun ang weakness kapag facial recognition. Pero hindi naman ito basta lang hinuli eh. Nagkaroon tayo ng verification,” ani Javier.

Ang grupo ng Maute ay kabilang sa  arrest order na inisyu ng Department of National Defense laban sa 100 hinihinalang  miyembro, spies, at  couriers ng Abu Sayyaf, Maute group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at Maguid group.

Ayon sa isang opisyal, ang mga awtoridad ay nagsagawa ng surveillance sa suspek sa loob ng tatlong araw bago maaresto matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen.

Dagdag pa ni Javier, tinutugis na ng mga awtoridad ang ikalawang  bomb suspect sa Cagayan de Oro.

Hina hunting na natin ngayon. ‘Yun ang fineed ng 103rd Brigade, na nandito na sa Cagayan de Oro,” ani Javier.

Samantala, mariin naman itong itinatanggi ng naarestong suspek.

Narito ang isang video na ulat ng GMA News via You Tube.