Pinay na nawawala sa sunog sa Grenfell Tower sa London, itinuturing na patay na

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas  –  Itinuturing na patay na ang nawawalang Filipina sa nangyaring sunog sa Grenfell Tower sa London noong nakaraang Miyerkules, Hunyo 14; ito ang malungkot na ibinalita ng embahada ng Pilipinas sa United Kingdom sa kanilang Facebook page.

“The Embassy has the sad task to announce that despite our diligent search made in coordination with the Metropolitan Police and the Filipino Community in London, Mrs. Ligaya Moore has not been found,” pahayag ng embahada nitong Linggo.

“She has now been included by the MetPolice as among those presumed to have perished in the Grenfell Tower tragedy. Her next of kin have been informed,” dagdag pa nito.

Si Ligaya Moore, 79 anyos at tubong Pampanga, ay nag-iisang nakatira sa kaniyang Flat-181 sa 21st floor ng Grenfell Tower.

Una nang humingi ng tulong si Senador Joel Villanueva sa mga Pinoy sa London para mahanap si Moore na miyembro ng Jesus is Lord Movement (JIL).

Samantala, umabot na sa 58 ang bilang ng mga taong nawawala sa sunog at hindi pa matagpuan ang mga labi.

“Sadly that work leads me to believe that the number of people missing, but as yet unaccounted for has risen from yesterday’s figure of 58,” ito ay ayon kay Metropolitan Police Commander Stuart Cundy.

Patuloy pa rin umano ang paghahanap nila sa mga nawawalang residente, bagama’t aminado ang lokal na awtoridad na malabo nang may matagpuan pa silang buhay o survivor.