[Video] Bangko sa Bulacan, Nilooban; Php1-Milyong Halaga, Natangay

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Tinatayang P1-milyong salapi, mga gadget at baril ang natangay sa isang bangko na nilooban ng mga magnanakaw sa Barangay Tangos, Baliwag, Bulacan.

Pinasok ang Rural Bank of San Rafael sa pamamagitan ng pagbutas ng pader, paggamit ng barena at bolt cutter.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng bangko sa nasabing insidente, saad sa ulat ng Saksi.

Samantala, hinarang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga empleyado ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa Macabalan port, Cagayan de Oro City dahil sa duumano’y pagdadala ng P32 milyon na nakalagay sa kahon.

Ngunit ayon sa UCPB , awtorisado nila ang paglilipat ng pera at hindi na nila umano kailangan ng permit sa Bangko Sentral dahil internal ang kanilang cash transfer.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Source :

GMA, YouTube, Abante