[Video] Bawal na Simula Hulyo 15 ang Pagdadala ng Styrofoam at Plastic Bags sa Boracay

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Ipagbabawal na ang pagdadala ng styrofoam at plastic bags sa Boracay simula Hulyo 15, 2017.

Layunin ng kautasan na mabawasan ang basura na dinadala sa Boracay.

Kukumpiskahin ng mga awtoridad ng Malay, Aklan ang makikita nilang styrofoam at plastic bags.

Sisimulan naman sa Enero 2018 ang paniningil ng multa sa mga mahuhuli na may dalang mga styrofoam o plastic bags.

Ang mga mahuhuli ay magbabayad mula P1,500 sa first offense, P2,000 sa second offense at P2,500 sa third offense. 

Posible rin na patawan ng anim na buwan na pagkakakulong sa third offense, saad sa ulat ng Quick Response Team.

Bawal na rin magbigay ang mga kainan ng plastic bag sa kanilang mga mamimili.

Inaasahan din ng lokal na pamahalaan ng Malay Aklan ang kooperasyon ng mga residente at mga turista sa nasabing panukala.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: