[Video] Militar, Binomba ang Hinihinalang Tunnel ng Maute at Lugar ng mga Sniper

Image capture of video by GMA News via YouTube accountImage capture of video by GMA News via YouTube account

Binomba ng militar ang lugar ng mga sniper at hinihinalang lokasyon ng isa sa mga tunnel ng Maute group sa Marawi City.

Tuloy ang air strike sa lugar kung saan napaslang nang hindi sinasadya ang 11 sundalo ng Philippine Army.

Ilang bahay din ang nasunog matapos mabagsakan ng bomba ang lugar.

May namataan din na US Special Operation Forces sa Marawi sa gitna ng pag-amin ng Amerika na may ibinigay silang tulong sa militar na hindi alam ni Pangulong Rodrigo Duterte, saad sa ulat ng Saksi.

Kabilang sa inaasam ng Pilipinas at Amerika ang matigil na ang gulo na nagpalawak sa pinsala sa commercial district ng Marawi.

Maliban sa pag-amin ng Amerika hinggil sa kanilang technical support sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay wala na silang ibinigay na detalye.

Nilinaw din ng AFP na hindi nila kasama sa bakbakan ang Amerika.

Ayon naman kay Pangulong Duterte, hindi niya hiniling ang tulong ng Amerika ngunit nagpapasalamat siya sa tulong na ibinigay sa Pilipinas na maaaring makapagsagip sa buhay ng mga tao.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes, binanggit ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano na hindi lahat ng banyagang tulong ay kailangang ipagpaalam sa Pangulo.

Paliwanag ni Cayetano: “It really depends on the specifics na gagawin ng isang foreign country na tutulong sa atin and then that’s the decision na ng chief of staff.”

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Source :

GMA, YouTube, Facebook