[Video] Pamahalaan, Hindi Magsasagawa ng Opensiba Laban sa NPA

File photo and image via Facebook page of GMAFile photo and image via Facebook page of GMA

Hindi magsasagawa ang pamahalaan ng offensive operation laban sa New People’s Army (NPA).

Ito ang ipinahayag ni Silvestre Bello III, chairperson ng government peace panel.

Ani Bello, ito ay bahagi ng bilateral ceasefire agreement habang isinasagawa ang mga negosasyon kaugnay sa peace talks.

Sinabi ito ni Bello matapos irekomenda ng National Democratic Front (NDF) sa NPA sa Mindanao na tumigil sa kanilang opensiba laban sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Tinanggap din ni Bello ang pagkundina ng NDF sa terorismo ng Maute group sa Marawi City, saad sa ulat ng News TV Live.

Noong isang buwan, umatras ang government peace panel sa ikalimang round ng peace talks dahil sa utos ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa NPA na paigtingin ang kanilang opensiba sa gitna ng martial law sa Mindanao.