10 Jolo inmates umeskapo, 3 patay, 1 sugatan

Public domainPublic domain

14 na preso ang tumakas mula sa piitan ng Jolo Municipal Police Station sa Sulu Province kabilang ang tatlong presong napatay ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon nitong Hulyo 16 ng umaga.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Sulu Provincial Police director Senior Superintendent Mario Buyuccan na naganap ang pagpuga dakong 1:25 ng umaga nitong Hulyo 16.

Dagdag pa ni Buyuccan, sa inisyal na operasyon, tatlo sa 14 na preso ay napatay, isa ang sugatan at ang 10 ay nakatakas.

Hindi na nagbigay ng detalye ang opisyal sa 10 pugante, ngunit aniya, 24 ang nagtangkang tumakas subalit napigilan ang ilan sa mga ito.

Dagdag pa ni Buyuccan, patuloy pa rin ang kanilang pagtugis at sinabing maglalabas ng ulat sa mga kasong kinasangkutan ng 10 pugante.

Samantala, sinabi ni Vargas na kinumpirma ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Police head Chief Superintendent Reuben Sindac ang naganap na pagpuga ng mga preso.

Samantala, nitong Mayo lamang ay anim na preso rin ang tumakas sa piitan ng San Pedro, Laguna.

Matatandaang 150 inmates naman ang nakatakas din sa North Cotabato District Jail sa Kidapawan City, Mindanao.

Source :

GMA, PhilStar, BBC