Duterte binalikan si Morales: ‘Shut up, mahiya ka sa sarili mo’

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MANILA, Philippines  –  Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa naging puna ng huli sa kampanya ng administrasyon labans a ilegal na droga.

Matatandaang sinabi ni Morales sa isang panayam sa isang TV network sa Japan na mistulang itinataboy ni Duterte ang mga tao sa pagpatay ng kapwa-tao na hindi raw katanggap-tanggap kahit saang konteksto to pa ito tignan.

“He’s goading people to kill people. That’s a problem. His communications people say ‘that’s hyperbole.’ You know, they try to rationalize whatever he says, so whether or not the police or whoever he addresses these words, believe him,” ani Morales.

Sa pinakahuling talumpati ng Pangulo sa Malakanyang, sinabi nitong maging ang Ombudsman ay corrupt din base na rin sa kaniyang karanasan noong siya ay isang prosecutor pa lamang.

“Ayusin mo iyang Ombudsman mo. Akala mo santo kayo diyan. Do not play god and shut up. Wala ka namang batas, ibigay mo nga sa akin?” galit na wika ni Duterte.

“Abugado ka. Anak ng jueteng. Ako, ordinaryo lang, 75. Pero alam ko ang batas ko, eh ikaw dumating ka pa ng Supreme Court, hindi mo pa alam iyan. Mahiya ka sa sarili mo,” dagdag pa ng presidente.

“You bring the worst in me”

Pinuna rin ni Duterte ang animo’y pagiging tagapagsalita ng mga kriminal ng Ombudsman at hinimok si Morales na ‘rendahan ang bunganga’ nito.

Nagpipigil lang umano siya dahil si Morales ay kapatid ng kaniyang balae, na ang tinutukoy ay ang biyenan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“Pero kung ganoon ka mag-ano, nakita mo ang sitwasyon, sa Marawi… Hindi mo lang alam ang problema ko. I have lost so many soldiers, police,” wika pa ni Duterte.

Nangako rin ang Pangulo na hindi na siya basta mananahimik na lamang sa mga kritisismo sa kaniya.

“But if you do that, you bring the worst in me, bring out the worst in me actually, maski sino. Pin— ina ko nga si Obama, kayo pa,” dagdag pa nito.