Duterte kay Ramos: ‘You are my number one supporter and critic’

Public DomainPublic Domain

“You are my number one supporter, but at the same time you are my number one critic now,”

Sa kabila ng madalas na pambabatikos ni dating Fidel V. Ramos, tanggap at nirerespeto pa rin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte; ayon sa ulat ng Inquirer.

“I respect your criticism. I accept your advice and maybe I will mimic your role as president before — I will follow you, just like what the shirt says,” ani Duterte.

Ayon pa kay Duterte,  malaya si Ramos na punahin ang kanyang mga desisyon o gawi.

Pahayag pa ng Pangulo, hindi man siya militar gaya ni Ramos ay makatitiyak namang patas sila sa pagmamahal sa bansa.

Tulad  ni Ramos, ay handa rin umano si Duterte na mamatay para sa bansa.

 “Only difference is that, I am not a military man. But love of country, patas tayo, sir. I  would say that I love my country as much as you do, and we are ready to die for this country,” dagdag pa ni Duterte.