Duterte kinilala ang pagtulong ng China at America sa Marawi City

File PhotoFile Photo

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong na ipinagkaloob ng China at America sa pag-apula sa pro-ISIS Maute group sa Marawi City.

“Let us give where credit is due. The United States helped the Armed Forces in this fight and China committed and delivered a lot of firearms for us, mga sniper,”  ani Duterte sa kaniyang talumpati sa Ambassadors’ Tour Philippine reception sa Davao City nitong Hulyo 14.

Kinilala rin niya ang ipinangakong tulong ng Russian President Vladimir Puti sa bansa.

Ayon sa ulat ng GMA, nagbigay ang Estados Unidos ng technical support sa militar habang ang China ay nagbigay naman ng ammunition na nagkakahalaga ng P370 million.

Ang dalawang bansa ay nangako rin ng tulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Magugunitang naging mainit si Pangulong Duterte kay dating US President Barack Obama dahil sa pagbatikos nito sa kaniyang drug war.

Dahil dito hiniwalay ni Pangulong Duterte ang ‘foreign policy’ ng bansa sa America ngunit mananatili naman ang diplomatikong ugnayan ng mga ito.