Erika Padilla, ibinahagi ang kanyang maternity shoot

Imahe mula sa Instagram ni Erika PadillaImahe mula sa Instagram ni Erika Padilla

Muli na namang ipinakita ng aktres at sportscaster na si Erika Padilla ang kaniyang baby bump ngunit sa pagkakataong ito’y sa sexy na paraan.

Nitong Hulyo 16, ibinahagi ni Erika sa kaniyang Instagram account ang kaniyang sexy maternity shoot na kuha ng Nice Print Photography.

Matatandaang noong Mayo 17 unang nagpakita si Erika ng kaniyang baby bump ng kanilang unang anak ni  Alaska Aces assistant coach Jeffrey Cariaso.

Abril nangyari ang engagement nina Erika at Jeffrey. Makaraan ang isang buwan ay ianunsiyo ni Erika na siya’y nagdadalantao na.

Hunyo 2017 nang sila’y nagpakasal.

My husband ❤ SWIPE!

A post shared by Erika Padilla Cariaso (@padillaerika) on

Sa Oktubre naman inaasahang isisilang ang kanilang unang anak.

Congratulations!