Jopay ng SexBomb Girls, muling nagdadalantao

Imahe mula sa Imgrum

Nitong Sabado, masayang ibinahagi ni Joshua Zamora sa kanyang Instagram post ang pagdadalantao ng kanyang misis na si Jopay na former Sexbomb Girls member.

Ayon pa sa former Manoeuvres dancer, matagal na diumano nilang hinihintay na mag-asawa ang milagrong ito. Aniya: “And now with the love, we joyfully announce the coming of our newest member of the family. Another sweet smile to brighten our day, another small hand to hold on the way! A new hand to hold, a new heart to love.”

Nangako rin si Joshua na aalagaaan niya ang misis, lalo na ang sanggol na nasa sinapupunan nito.

Bumuhos ang pagbati sa mag-asawa at ang panalangin sa mapayapang pagbubuntis nito.

Samantala, ikinasal sina Jopay at Joshua noong Hunyo 2014 matapos ang pitong-taong pagsasama bilang magkasintahan.

Noong Pebrero 2015, kapwa ibinalita ng mag-asawa ang unang pagdadalantao ni Jopay, ngunit sa kasamaang palad, nagkaroon ng miscarriage ang dating Sexbomb Girl dancer sa kanila sanang unang supling.

Panoorin ang video compilation mula sa Pinoy Scoop: