Kampo ni Jinggoy, napagsabihan ng korte dahil sa patuloy na pagkaantala ng plunder trial

Image from MYi 24/7 Facebook pageImage from MYi 24/7 Facebook page

MAYNILA, Pilipinas  –  Tila napundi na ang mga huwes ng Sandiganbayan 5th Division sa mga abogado ni dating Senador Jinggoy Estrada dahil sa patuloy na pagtatangka umano ng mga ito na maantala ang pagdinig sa kasong plunder ng kanilang kliyente.

Nitong Lunes, ika-17 ng Hulyo, muling na-postpone ang hearing ng kaso ni Estrada na una nang na-schedule noong Hunyo 19, dahil sa bangayan ng mga abogado ng prosekusyon at depensa.

Partikular na kinuwestiyon ng kampo ni Estrada ang pre-trial order (PTO) na hindi pirmado ng dating senador subalit iginigiit ng prosekusyon na isali sa mga dokumento.

Ayon kay Atty. Paul Arias, lead counsel ng depensa, lista lamang ng mga dokumento ang kanilang natanggap, at hindi ang aktuwal n dokumento mismo.

“The pre-trial order (PTO) would show that these were not presented, that’s why there’s no stipulation,” ani Arias.

Subalit itinanggi naman ito ni Prosecutor Maria Christina Marallag-Batacan na nagsabing imposible ang reklamo ni Arias dahil protocol na mabigyan ng kopya ng PTO ang depensa.

Delaying tactic

Kinuwestiyon din ni Marallag-Batacan ang pagiging ‘arogante’ ni Arias at asal nito mismo sa harap ng korte.

Dahil dito, napagsabihan ni Associate Justice Rafael Lagos, chairperson ng 5th Division ang depensa at sinabing ‘delaying tactic’ lamang ang ginagawa nito.

“It shows that you (just want) the initial trial not to start. If you believe you have a point, you should’ve done that two weeks ago,” ani Lagos.

“Their client is detained. If they just want to prolong everything, it’s okay with us… Set tayo nang set ayaw n’yo namang matuloy. Bahala kayo,” dagdag pa ng huwes.

Itinanggi naman ni Estrada ang nasabing paratang.

“As far as we are concerned, we are not delaying the hearing, because I am in detention for already more than 3 years, kung ako ang masusunod gusto ko nang mag start ‘yung hearing para that will give me a chance to prove that I am innocent of all charges leveled against me,” paliwanag ng nakakulong na mambabatas.

Source :

Inquirer, Rappler