Kamusta na nga ba si Sarah Christophers matapos iwan ang buhay showbiz?

Imahe mula sa Instagram ni Sarah ChristopersImahe mula sa Instagram ni Sarah Christopers

Si Sarah Christophers ay bahagi ng Star Magic Batch 8, na naging popular noong dekada 90 hanggang unang bahagi ng 2000. Ngunit ano na nga bang balita sa dating Kapamilya star?

Throwback, braces and all 😂#starstudio #starmagic #abscbn

A post shared by Sarah Christophers (@sarahchristophers) on

Ang Filipina-Australian actress ay unang gumanap sa “Ang Munting Paraiso” kasama sina  Coney Reyes, Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Si Christophers din ay naging bahagi ng  “G-Mik,” “Berks,” “Wazzup Wazzup” at “Victim Overload.

Hindi nagtagal, nagdesisyon din si Christophers na iwan ang buhay niya sa showbiz at nagtungo ito sa Australia at nagpatuloy ng kaniyang pag-aaral sa abroad.

Kapansin-pansin sa kanyang mga ibinabahaging post sa Instagram na siya ay marami nang lugar na napuntahan.

Sa video na ibinahagi SIKAT TRENDS ay makikita ang 30-anyos na dating aktres na nakapaglakbay na sa iba’t ibang bahagi ng mundo at masayang namumuhay kasama ang kaniyang pamilya at kaibigan. Wala pang supling ang dating aktres.

My travel buddy ❤️

A post shared by Sarah Christophers (@sarahchristophers) on

Taong 2015 din nang bumisita si Christophers upang dumalo sa kasal ng kaniyang kaibigan na sina Heart Evangelista at Chiz Escudero.