Kathryn Bernardo umani ng samu’t saring reaksyon sa bagong hairdo sa La Luna Sangre

Imahe mula sa Twitter ni Chayworld 73Imahe mula sa Twitter ni Chayworld 73

Umani ng samo’t saring reaksyon sa social media ang bagong ayos  ng buhok ni Kathryn Bernardo sa kaniyang pagganap bilang Malia sa teleseryeng La Luna Sangre.

Naging usap-usapan kasi ang hawig lalaking buhok ni Kathryn sa isang episode ng La Luna Sangre.

Sa episode ng La Luna Sangre nitong Hulyo 13, nagdesisyon si Malia na magpagupit ng maikling buhok upang magpanggap na lalaki at mabuhay sa siyudad kung saan nangingibabaw ang mga lalaki.

Namasukan si Malia bilang kargador sa bigasan. Kasama niya sa trabaho ang mga lalaking may  edad sa kanya.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, pinuri naman ng ilang netizen ang bagong buhok ni Kathryn dahil sa dedikasyon nito sa trabaho.

Habang ang iba’y ginawa itong katatawanan sa pamamagitan ng paghahalintulad dito kay Jake Zyrus.