Pangulong Duterte, most appreciated government official ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia

Duterte Image capture of video by CNN Philippines

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang most appreciated government official batay sa “Ulat ng Bayan” survey ng Pulse Asia Research Inc. na ginawa noong nakaraang buwan.

Ayon sa ulat ng GMA, nakakuha ng approval rating na 82 percent ang Pangulo, na siyang pinakamataas na score sa mga opisyal ng pamahalaan na kasama sa survey.

Ang survey ay ginawa noong ika-24 hanggang ika-29 ng Hunyo; mahigit isang buwan matapos niyang ideklara ang martial law sa Mindanao. Ito rin ang panahon na may mga katanungan tungkol sa kalusugan ni Pangulong Duterte.

Mas mataas ng four percent ang trust rating ngayon ng Pangulo kumpara sa survey na ginawa noong Marso 2017.

Samantala, pumangalawa si Vice President Leni Robredo bilang most appreciated government official na nagtala ng 61 percent; mas mataas ng tatlong puntos kumpara sa nakaraang survey. Si Senate President Aquilino Pimentel naman ang nasa ikatlong puwesto na nakakuha ng 62 percent approval rating.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang mataas na approval rating ay repleksiyon umano ng kung paano nauunawaan ng mga tao si Pangulong Duterte.