[Panoorin] Hubo’t hubad na lalaki nagwala sa Tondo, sasakyan ilang beses hinataw

Imahe mula sa GMA video via You TubeImahe mula sa GMA video via You Tube

Isang lasing na lalaking walang saplot ang nagwala at naminsala pa ng kotse  sa Gagalangin, Tondo, Maynila kamakailan.

Mapapanood sa video footage na ibinahagi ng GMA ang isang lalaki na hubo’t hubad ang lumitaw mula sa isang madilim na bahagi ng kalsada at mistulang nagparada pa ng sarili sa harapan ng mga karinderya sa Juan Luna St., Brgy Gagalangin, Tondo, Maynila.

Makaraan nito’y, kinalampag ng lalaki ang isang kotseng nakaparada sa harapan, saka dumampot ng matigas na bagay at hinataw ang sasakyan.

Hindi pa nakuntento ang lalaki at hinataw din  ang mga salamin at binuhat pa ang isang upuan saka inihagis sa sasakyan.

Rumesponde naman ang mga tanod ng barangay, ngunit hindi sumama nang maayos ang lalaki kaya napilitan na silang ito’y bitbitin.

Ayon sa barangay, lango sa alak ang  nag-amok na lalaki.

Ang sabi ng magulang uminom noong gabi at allegedly isang araw nang hindi natutulog,” wika ni Lourdes Gutierrez, kapitan ng Barangay Gagalangin, Tondo, Maynila.

“Ang dami namang puwedeng paglibangan, katulad ng sports, puwede namang i-focus ang attention sa sports, sa pag aaral,” dagdag pa ng kapitan.

Sinusuwerte pa rin ang lalaki sapagkat pinatawad na lamang umano ito ng may-ari ng napinsalang kotse.

Panoorin ang ulat na ito ng Saksi:

Source :

YouTube, GMA