[Panoorin] Justin Bieber concert tickets, surpresa ni Paul Salas kay Barbie Imperial

Imahe mula sa Instagram ni Paul SalasImahe mula sa Instagram ni Paul Salas

Tlaga nga namang sa ngalan ng pag-ibig lahat ay gagawin!

Nag-trending ngayon ang actor at model na si Paul Salas nang ibahagi nito ang video kung paano niya hilingin kay Barbie Imperial na maging ka-date niya sa concert ni Justin Bieber sa Pilipinas sa Setyembre.

Sa Instagram post ni Salas, ikinuwento niya kung paano siya nakakuha ng kanilang tiket sa naturang concert.

 “Last night, I told Bie na late ko sya masusundo dahil may gagawin ako. Di nya alam maaga akong gumising para pumila sa pre selling tickets for Justin Bieber’s Purpose World Tour. Sobrang haba ng pila, halos lahat ng co beliebers ko naging close ko na dun,” panimula ni Salas.

After ko dun, I went straight to her house and picked her up. Nung nasa loob na kami ng sasakyan, kunware galit ako sa kanya para hindi nya mapansin yung surprise ko,” patuloy pa ni Salas.

Si Imperial ay nakatakdang magdiwang ng kaniyang nalalapit na kaarawan at ang concert ticket ang regalo ni Salas sa kaniya.

Wika pa ni Salas, lahat ay kaniyang gagawin mapasaya lamang si Imperial