[Panoorin] Pangulong Duterte hindi pa aalisin ang Batas Militar sa Mindanao bago ang SONA

Imahe mula sa Twitter ni Trisha Macas

“Pag sinabi na nilang wala nang delikado  and everything is okay, that’s the time we lift martial law.”

Hindi pa umano aalisin ang Martial Law sa Mindanao ngunit depende sa assessment na mairerekomenda ng Armed Forces of The Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Marawi City; ito ay ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ni Duterte sa Region 11 Tactical Operations Group matapos ang bigong pagtungo sa Marawi City nang siya’y tanungin kung aalisin ang Batas Militar sa Mindanao bago ang kaniyang State of the Nation Address (SONA); ayon sa ulat ng Rappler.

Ayon kay Duterte: “No, hindi ako ang nag-ano. It’s the armed forces and the police,” tugon niya.

I consulted them and said it was critical,” dagdag pa nito. “Ang magsabi sa akin na hindi na critical ang armed forces at ang pulis. I do not have an independent study of how things are on the ground.”

Wika pa ni Duterte: “It’s not my job, I cannot do it physically even. I just have to rely on the word of the armed forces and the police because they’re the ones keeping this republic healthy and alive.”

Sa ilalim ng Saligang Batas ang Martial Law ay ipatutupad lamang sa loob ng 60 araw. Maaari lamang itong palawigin ng Kongreso.

Panoorin ang video na ito mula sa ANC: