[Panoorin] Tila banyagang sundalo ng Maute nakaengkwentro ng militar

Imahe mula sa GMA video via You Tube

Tila ghost town nang maituturing ang Marawi City dahil sa laki ng pinsala sa naturang lugar.  Sa likod ng malaking kaguluhan doon ay may mga banyagang  terorista ang nakikipagbakbakan sa mga militar.

Ilan sa mga ISIS-linked Maute group ay tila mga banyagang sanay sa giyera; ito ay ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa ulat ng GMA, may mga nakaengkentro ang militar na tila banyaga ang kalibre sa digmaan.

Hindi sila ‘yung basta lang ni-recruit. Mapapansin mo rin talaga na marunong silang mag-occupy agad. Kaya na agad nilang maka-react,” ayon kay 2nd Lieutenant Kim Martal ng AFP.

Medyo malaki ‘yung katawan niya tapos ‘yung pagkaputi niya, kakaiba, hindi katulad sa normal na Pinoy. Parang somewhat Caucasian,”  dagdag pa nito.

Ang bakbakan sa pagitan ng Maute at ng tropang militar sa Marawi City ay nagsimula noong May 23, na naging dahilan upang magdeklara si Pangulong Rodrigo R. Duterte ng martial law sa Mindanao.

Panoorin ang iba pang ulat sa  videong ito ng 24 Oras:

Source :

You Tube, GMA, ABS CBN