Pinoy boxer Recky “The Terror” Dulay, pinatumba sa 3rd round ang kalabang Panamanian boxer

Image capture ofvideo by Balitang America

Wagi ang Pinoy boxer na si Recky “The Terror” Dulay sa World Boxing Council lightweight bout niya laban sa Panamanian boxer na si Jaime “Little James” Arboleda. Ginanap ang laban sa The Forum multi-purpose arena sa Inglewood, California noong Sabado, ika-15 ng Hulyo.

Humalik sa lona si Arboleda sa 3rd round ng laban matapos siyang tamaan ng matinding kanan na pinakawalan ni Dulay. Sinubukan  pang tumayo ng Panamanian boxer, subalit hindi na kinaya ng kanyang tuhod na makatayo para muling lumaban.

Nagdesisyon ang referee na itigil na ang laban. Iyon ang kauna-unahang pagkatalo ni Arboleda.

Panoorin ang video ng laban na ibinahagi ng Balitang America: