Sen Trillanes hindi nasakyan ang biro ni Pangulong Duterte – Palasyo

Image from DFN Files

Tila hindi nasakyan ni Senador Antonio Trillanes IV ang biro ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang.

Ito ay matapos madaliin ni Trillanes ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Duterte dahil sa pag-amin umano nito sa pagnanakaw.

I hate corruption. Hindi ako nagmamakalinis, marami rin akong nanakaw pero naubos na, so wala na,” ani Duterte.

Para kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, halata namang nagbibiro lamang si Dutertre ngunit sineryoso naman agad ito ni Trillanes; ayon sa ulat ng Brigada News.

Wika pa ni Abella, kilala ang pangulo sa pagiging palabiro nito kaya hindi na dapat pang bigyan ng isyu ang kahulugan ng mga pahayag nito.

Ngunit para kay Trillanes, sapat na ang kaniyang pahayag bilang patunay ng korapsiyon.

This admission confirms my corruption allegation against Duterte. I have filed a case against him before the ombudsman, along with the necessary evidence to support the case. This admission should be a reason to expedite the investigation,” ayon kay Trillanes.