Tulay na magdudugtong sa Fort Bonifacio at Ortigas business district, sisimulan na ng DPWH

Image capture of video by ABS-CBN Image capture of video by ABS-CBN

Sisimulan na ang pagpapagawa ng tulay na magdudugtong sa Fort Bonifacio at sa Ortigas business district bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na maibsan ang trapiko sa Metro Manila.

Sa panayam ng ANC kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, sinabi ng kalihim na ang Fort-Ortigas bridge ay isa lang sa planong labingdalawang bagong tulay na tatawid sa Pasig River.

Ani Villar, ang Fort-Ortigas bridge ay magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Guadalupe sa Makati City at C-5 Road. May apat na car lanes daw ang gagawing tulay at mayroon din itong probisyon para sa mga pedestrians na naglalakad o nagbibisikleta.

Dagdag pa ng kalihim, may dalawa pang tulay ang sisimulan sa loob ng linggong ito at inaasahang matatapos ang tatlong tulay sa loob ng dalawang taon.

Narito ang TV report mula sa ABS CBN para sa iba pang detalye: