[Video] AFP: Nasa 60 na lang ang bilang ng Maute sa Marawi City

Image capture of video by ABS-CBN News via YouTube account

Ipinahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa 60 na lamang ang natitirang Maute na lumalaban sa Marawi City.

Tiniyak din ng AFP nitong Linggo, na na-clear na nila ang panibagong 60 lugar na dating pinagkukutaan ng teroristang Maute sa Marawi.

Sa kabila nito, malaki na ang pinsala sa lungsod at may mga komunidad din na halos wala nang natira.

Ayon kay Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Provincial Management Committee, kailangan nang magkaroon ng masusing pagpaplano sa pabahay para sa mga taga-Marawi.

Ilang residente rin ang nagpumilit na makakuha ng “safe conduct pass” upang maisalba ang natitira sa kanilang ari-arian.

Ngunit bawal pa rin ang mga sibilyan sa Marawi dahil hindi pa rin ligtas sa lungsod, ayon sa ulat ng TV Patrol.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa ABS-CBN News: