[Video] Higit 80 indibidwal, nahuli sa ‘one time big time operation’ sa Makati

mage capture of video by GMA News via YouTube accountmage capture of video by GMA News via YouTube account

(Makati City, Philippines) Higit sa 80 katao ang nahuli ng mga awtoridad sa isinagawang ‘one time big time operation’ sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Halos 50 ang mga nadakip na diumano’y  nag-iinuman sa kalsada.

Kasama ring dinala ang mga palaboy sa kalsada na kinabibilangan ng mga babae, sanggol at mga bata, ayon sa ulat ng State of the Nation.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang ilang menor de edad na lumabag sa curfew at ibibigay ang mga ito sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Ilan din sa mga nahuli ay gumagamit ng ilegal na droga at apat naman ang may standing warrant of arrest dahil sa iba’t ibang kaso.

Kakasuhan sa paglabag sa city ordinance ang mga nahuli.

Sasailalim din sila sa verification upang matukoy kung may iba pa silang haharapin na kaso.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: