[Video] Mga Bakwit, dumalo sa livelihood skills training ng TESDA sa Iligan City

Image capture of video by GMA News via YouTube account

Dumalo ang daan-daang Bakwit sa livelihood skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Iligan City.

Ayon kay Tarhata S. Mapandi, provincial director ng TESDA, kailangang magpalista ng mga Bakwit upang mabigyan sila ng puwesto sa mga training center.

Magandang oportunidad din ito sa mga Bakwit na makalimot sa mga paghihirap na kanilang dinaranas dahil sa gulo sa Marawi City.

Layunin din nito na makabangon muli ang mga Bakwit at makapagtayo sila ng sariling negosyo, ayon sa ulat ng News TV Live.

Ikinatuwa naman ng mga Bakwit ang programa sa TESDA dahil malaking tulong daw ito sa kanilang buhay at upang maalis sa kanilang isipan ang masaklap nilang pinagdaraanan.

Samantala, tiniyak naman ni Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na dagsa ang mga donasyon na natatanggap ng pamahalaan para sa Marawi, ayon sa ulat ng Bandera Inquirer.

Dagdag pa ni Padilla, maliban sa mga donasyon ng mga Pilipino ay may mga donasyon din na nagmula sa ibang bansa.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: