[Video] Pagwawala, istilo ng kawatan sa panghoholdap sa QC

Image capture of video by GMA News via YouTube accountImage capture of video by GMA News via YouTube account

Magwawala saka manghoholdap?

Ito ang ginamit umano ng isang lalaki upang makapangholdap sa barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Pinaghahampas umano ni Alyas ‘Totoy’ ang mga nag-iinuman sa isang tindahan.

Pinagdiskitahan naman ni ‘Totoy’ ang mga pumapasadang drayber ng tricycle, drayber ng dyip at maging ang tumatawid sa kalsada.

Hinarang din ni ‘Totoy’ ang isang rider ng motorsiklo at dinuro ito, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend.

Inambahan ni ‘Totoy’ ang rider na hahampasin ng upuan.

Inalis din ni ‘Totoy’ ang helmet ng rider at kinuha ang sling bag ng biktima.

Mahigit P3,000 na salapi at isang mamahaling cellphone ang natangay ni ‘Totoy’ sa biktima.

Ani Kapitan Marciano Buena-Agua, alam na nila ang pagkakakilalan ng suspek at kasalukuyan na itong pinaghahahanap..

Samantala, sa survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa unang tatlong buwan ng 2017 ay lalo pang tumaas ang mga krimen na may kaugnayan sa street robbery, burglars at carnapping, ayon sa ulat ng Abante.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News:

Source :

GMA, YouTube, Abante